CAMARINES NORTE – Umaabot na sa 49, 160 ang total number of registered voters sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.
Batay sa datos ng Comission on Elections nasa 35, 558 ang total number of registered regular voters habang 13, 602 naman ang botante sa SK.
Mayroong 20 voting centers sa naturang bayan na may 26 na barangay.
Nasa 247 naman ang total number of established precints at 104 ang total number of clustered precincts.
Kabilang ang Mercedes sa top-5 vote rich municipalities sa lalawigan.
Sa ngayon ay puspusan ang paghahanda ng Comelec sa naturang bayan habang nalalapit ang eleksyon.
Nakapagsagawa na rin ng voters education campaign sa mga barangay upang ipaalam sa publiko ang calendar of activities sa halalan.
