Regular calibration at upgrade ng mga kagamitan sa pagbasa ng metro ng Soreco Dos, inirekomenda ng Sangguniang Panlungsod

SORSOGON CITY – Upang mas maiwasan ang mali-maling resulta ng meter reading ng kuryente sa lungsod ng Sorsogon, naghain ng panukala ang Bise-Alkalde ng lungsod kaugnay sa pagsasagawa ng Sorsogon Electric Cooperative (SORECO II) ng pirmihan na calibration at pag-upgrade ng kanilang kagamitan.

Ayon kay City Vice-Mayor Eric Dioneda, maliban sa nauna na niyang rekomendasyon na pagsasailalim sa training at seminar ng mga meter readers, dapat din umano na matiyak ang accuracy ng kanilang gamit upang matiyak na wala itong mga depekto lalo na’t hindi isang simpleng isyu ang madalas na pagkakamali sa resulta ng mga resibo na ikinakadismaya ng mga member consumers.

Umaasa ang opisyal na magiging bukas rito ang naturang kooperatiba at sa huli ay magawa na nila ng tama ang kanilang trabaho dahil nakahanda namang magbayad ang bawat households ng kanilang kinunsumong kuryente basta’t makatarungan din ang halaga ng kanilang bayarin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *