Nagtalaga ang lokal na pamahalaan ng mga coastal cleaners sa baybaying dagat ng San Felipe, Zambales.
Ito ay para mapangalagaan ang mga coastal areas at mapanatili ang kalinisan sa lugar.
Ang mga regular na coastal cleaners ay nagsimulang maglinis sa mga baybayin nakaraang May 3.
Dati ay maintenance workers ng LGU o volunteer groups ang naglilinis, ngunit dahil malaki umano ang ipinapasok na kita ng turismo sa lugar at naipatutupad na ang eco-tourism program ay regular nang nagtalaga ang LGU ng mga coastal cleaners.//Russell Banawa-BNFM IBA
PHOTO: San Felipe As One