Regular executive committee meeting, isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Daraga, Alba para sa proyekto at programa bago magtapos ang taong 2022

LEGAZPI CITY – Isinagawa kahapon ng Local Government Unit (LGU) Daraga ang Regular Executive Committee Meeting para sa mga plano at programa bago magtapos ang taong 2022.

Pinangunahan ng Alkalde ng Daraga na si Awin Baldo ang pagpupulong para sa mga programa at proyektong ipapatupad sa nasabing bayan.

Kabilang sa mga napag-usapan ay ang implementasyon ng mga pinapalabas na mga executive order o mga ordinansa ng LGU, tulad ng tungkol sa pagrequire sa mga building contractors na kumuha ng police clearance para sa kanilang mga trabahante.

Dagdag pa nito, pagreview ng Municipal Revenue Code, tamang pag-compute ng mga fees at taxes sa bawat industriya at mahigpit na implementasyon sa revenue collections ng bayan.

Maliban pa rito, tinalakay din ang konsultasyon sa DILG ukol sa mga dapat gawin sa mga isyu ng SK at barangay officials at pagpapaalala sa mga responsibilidad ng bawat opisyal ng barangay.

Binigyan-diin nito ang pagsasaayos ng implementasyon ng quarry operation at OWWA orientation kaugnay ng mga programa para sa OFWs at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *