Regular Session sa Sanguniang Panlungsod ng Naga nasuspendi nang malamang hindi pa umano tapos ang quarantine period ng dumalong COVID-positive na konsehal

NAGA CITY-  Kinukuwestiyon ng isang konsehal sa Naga ang hindi pagbibigay sa kaniya ng hard copy o kopya ng kaniyang swab test .

Sa regular session ng Sanguniang Panlungsod, sinabi ni Coun. Badong Del Castillo na nagpositibo siya sa antigen testing, dalawang beses na isinailalim sa swab testing at positibo rin.

Nag request ng kopya sa City Health Office partikular na kay City Health Officer Dr. Butch Borja , maging kay Health Emergency Response Task Force (HERTF) member/ City  Events Protocol and Public Information Office (CEPPIO) Chief Allen Reondanga subalit natapos na umano ang quarantine niya wala pa siyang natatanggap.

Ipinatawag ng konseho ang mga miyembro ng HERTF upang ipaliwanag kung ano nga ba ang sistema o proseso ukol dito.

Dumating ang HERTF sa konseho , paliwanag si Dr. Borja, ipinaalam naman kaagad ang resulta subalit hindi aniya maaaring kunin personal ang kopya. Sa katunayan sa Mayo 6 pa dapat matatapos ang quarantine nito at Mayo 7 pa lalabas. Swabbing date o Abril 22 aniya ang simula ng bilang ng 14-days quarantine.

Dahil sa pangyayari, umalis sa session hall ang mga immunocompromised na konsehal.

Sagot naman ni Del Castillo, ika-16 araw niya na kahapon.  Kaya importante sana aniya ang kopya ng resulta.   Umalis din si Del Castillo bago tuluyang masuspendi ang sesyon.

Bunsod nitong muling isinara o inilockdown ang Sanguniang Panlungsod pati mga opisina rito na sinundan ng disinfection.

Muling isasailalim sa swab testing ang mga konsehal at mga empleyado na unang nakasalamuha ng nasabing konsehal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *