Rehiyong Bicol, rank 10 sa buong bansa pagdating sa economic performance – PSA report

BICOL – NASA ika-10 pwesto ang rehiyon pagdating sa economic performance sa buong Pilipinas noong 2020.

Sa isinagawang virtual 2020 Report on the Performance of Bicol Region News Conference, inihayag ni PSA-Bicol Regional  Director Cynthia Perdiz na nangunguna ang net exports ng rehiyon ng Bicol sa buong Pilipinas sa may pinakamalaking kontribusyon sa pagtaas ng expenditure na nasa 7.7%.

Habang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) naman ang nakapagtala ng ‘smallest contraction’ sa

1.9% at Central Luzon naman ang may ‘biggest decline’ sa economic performance sa 13.9%.

Dagdag pa ni Perdiz, pagdating sa istruktura ng ekonomiya ay walang rehiyon ang predominantly agricultural habang ang CALABARZON ang natatanging rehiyon na predominatly industrial.

Kaugnay nito, itinuturing ding predominantly services-based ang natitirang rehiyon sa bansa kasama na ang Bicol.

Sa kabila nito kung per capita GRDP/GRDE ng rehiyon ang pag-uusapan, pumapangalawa naman ito sa may pinakamababang porsyento noong 2020.

Matatandaan na bumagsak ng halos 8.4% ang Gross Regional Domestic Product (GRDP) ng rehiyon dulot ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *