Reklamo sa umano’y mabahong bigas na ibinigay sa mga na-lockdown sa Koronadal, ipinaliwanag!

KORONADAL CITY — NILINAW ngayon ni Punong Barangay Ninfa Tumilap ng Barangay Sta. Cruz, Koronadal na galing sa Department of Social Welfare and Development o DSWD-12 ang mga food packs na ibinigay sa mga residente ng barangay na unang isinailalim sa granular lockdown dahil sa kaso ng Covid-19.

Ito’y matapos inireklamo ng ilang mga residente mula sa San Antonio Phase III ng nabanggit na barangay ang natanggap na bigas na mabaho umano at hindi na maaaring makain ng tao.

Paliwanag ni Tumilap na naka-vaccum-sealed ang nasabing mga bigas na inilagay sa loob ng selyadong karton mula sa DSWD-12 kung kaya’t normal lamang umano ang pagbabago ng kulay nito. May kaunting amoy din umano ang nasabing mga bigas dahil NFA rice ito.

Ayon pa sa opisyal na maraming mga residente ang nakatanggap ng nabanggit na tulong na hindi naman nagreklamo.
Dagdag pa nito na sa halip magreklamo sa tulong na natanggap, mas magandang pasalamatan na lamang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *