Relasyon ng Nagueños at Chinese community nanatiling matatag sa gitna isyu sa pagitan ng Pilipinas at China

NAGA CITY- Naging makulay ang taunang aktibidad may kaugnayan sa Chinese New Year sa Naga City.

Taun-taon nakikiisa ang lungsod sa Fiestang Chinoy kung saan may parada hanggang sa Plaza Quezon at may dragon dance.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Coun. Joe Perez na siyang chairman ng Committee on Culture and the Arts sa konseho pati na rin ng Committee Investment , Trade, Industry and Economic Enterprises , sinabi nito na nanatiling matatag ang matagal nang magandang relasyon ng mga Nagueño at Chinese Community sa kabila ng mga isyu sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.

Ayon kay Perez malaking porsyento ng mga negosyante sa Naga ay Tsinoy, nagsimula sila sa may Naga River. Ang ilan din 15 Marites ay mga Chinese. Malaki din aniya ang naitulong ng Chinese community noong pandemya at ngayong bumabangon na sa krisis.

Parte na ng buhay ng mga Nagueño ang kultura ng mga Chinese.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *