Religious sense ng mga Pinoy mataas pa rin kabila ng mga problemang kinakaharap ngayon ng simbahan ayon sa isang Obispo

CAMARINES NORTE- Inihayag ni Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon na mapalad pa rin ang bansang Pilipinas partikular ang lalawigan ng Camarines Norte dahil nananatiling mataas ang religious sense ng mga tao.

Ito ay sa kabila ng  tinatawag na “tide of secularism” na nararanasan  lalo na sa western countries.

Sa kaniyang homily sa Joint Diocesan Closing of the Year of Mission and Diocesan Synodal Consultation noong Sabado, sinabi ng Obispo na isa sa nakaapekto sa buhay pananampalataya ng mga tao ay ang pandemya.

Ayon kay Alarcon habang nagsisikap na maging synodal church ay hindi naman nakakalabas ang mga tao dahil sa pandemya kaya nabawasan ang mga common activities.

Marami umano ang naging virtual at nag slow down ang mga parish community at religious organizations.

Sa kabila naman umano nito ay may dapat pa ring ipagpasalamat dahil kahit nag slow down ay hindi naman aniya nawala ang spirit of synodality at communion.

(Photos courtesy: Diyosesis ng Daet fb)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *