Remittance mula sa operasyon ng STL sa Basud Camarines Norte tumaas uli ngayong taon

CAMARINES NORTE- Tumaas muli ang remittance ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud ngayong taon mula sa operasyon ng Small Town Lottery (STL).

Ito ang iniulat ni Municipal Treasurer Neil Angelie Barrameda sa pagharap nito sa regular na sesyon ng Sangguniang Bayan ng Basud nitong Lunes, October 17.

Ayon kay Barrameda, consistent ngayon sa P30, 000 kada buwan ang remittance mula sa STL kumpara noong 2020 at 2021 na umaabot lang sa P9, 000 hanggang P10,000.

Sa ngayon ay hanggang August 2022 pa lang ang pumapasok na remittance sa LGU kaya mayroon pang papasok para sa September at October at hanggang December.

Batay sa panuntunan, 20 percent mula sa remittance ng STL ay naka- allocate sa opisina ng Alkalde, 10 percent sa Bise Alkalde at ang 70 percent ay sa mga konsehal.

Nagmumula sa remittance ng STL ang ibinibigay na financial assistance sa mga nangangailangan nito partikular sa medical assistance.

Sa ngayon ay mayroon pang available fund mula sa STL na pwedeng maibigay sa mga nangangailangan ng tulong.

Ipinaliwanag rin ng Municipal Treasurer na wala pang disbursement ngayong taon ng pondo mula sa STL kaya pantay- pantay ang nalalabi pang pondo sa mga konsehal.

Ito raw kasi ay ang natitira pang share mula noong nakaraang taon.

Magtatalaga na rin ng tao ang Sangguniang Bayan para i- monitor ang pondo na allocation para sa mga miyembro nito.

Ito ay upang alam umano ng mga miyembro ng konseho ang available na pondo.

Nakakahiya raw kasi na bigay sila nang bigay ng referral pagkatapos ay wala naman palang available na pondo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *