Remulla, ibinunyag na ang malnutrition ay ‘common’ sa mga PDLs sa bansa

Ibinunyag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, na ang malnutrition ang “common” problem umano sa mga persons deprived of liberty (PDLs) sa buong bansa.

Ayon kay Remulla, na sa kanyang pag-upo bilang DOJ chief, nasurpresa umano siya nang makatanggap ng maraming PDL food service proposals.

Pero ang naging resulta umano nito, na nang makuha ang catering contract, nagkaroon ng interes ang tao sa budget na napupunta sa mga PDL, sa sa P70 na budget para sa bawat PDL, ay maswerte na lamang umano kung umabot sa hapagkainan ang P35 nito.

Binigyang diin pa ng kalihim, na ang dishonesty ang nagtulak sa mga PDLs na patulan ang ilegal na “coping mechanisms” kung saan nagpapadala ang kanilang mga pamilya ng pera para sa kanilang pagkain, na idinadaan sa pamamagitan ng mobile wallets ng mga prison guards.

Matatandaan na noong Enero, nakumpiska ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nasa P300,000 sa locker ng prison guard, kung saan sinasabing ang pera ay mula sa umano’y mobile wallet scheme.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *