Remulla may mensahe kay Teves Jr. ngayong panahon ng Semana Santa

Repent o magsisi, ito ang simpleng mensahe ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa suspended lawmaker na si Rep. Arnolfo Teves Jr. ngayong panahon ng Semana Santa.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng mga awtoridad nang 11 suspek, kabilang ang isa sa mga mastermind na kinilalang si Marvin Miranda sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Sinabi ni Remulla na walang intensyon si Miranda na makipagtulungan sa gobyerno.

Nauna nang pinangalanan ng Justice Secretray si Teves  bilang isa sa mga utak sa pagpatay kay Degamo.

Ngunit itinanggi ni Teves ang pagkakasangkot sa pagpatay kay Degamo. Sinabi niyang nakatanggap siya ng mga banta sa kanyang buhay at pamilya matapos maiugnay sa kaso na kaniyang dahilan kung bakit pinili niyang ipagpaliban ang pag-uwi sa bansa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *