National

Degamo slay suspects, nagsasabwatan – Remulla

Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mayroong sabwatan kaugnay ng paglutang ng mga abugado ng  6 hanggang 7 sa mga naaresto at sumukong mga suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov Roel Degamo at sa 9 na iba pa.

Sinabi ni Remulla, malinaw na may conspiracy dahil ilang lingo,  nang makunan ng sinumpaang salaysay ang mga ito sa harap ng mga witness ay bigla na lamang silang hindi nakipagtulungan sa DOJ.

Hindi aniya malayo na may malaking pera ang involve sa pagbabago ng posisyon ng pito sa mga suspek.

Ayon sa Justice secretary, ang susunod na dalawang linggo ay maituturing na kritikal kay suspended Cong. Arnolfo Teves Jr. dahil inaasahang maisasampa na ng DOJ ang mga kaso at patuloy aniyang gugulong ito kahit wala sa bansa si Teves.

Sampung murder cases at multiple murder cases ang inaasahang isasampang kaso ng DOJ laban kay Teves sa Miyerkules.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

15 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

15 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

15 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

15 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

16 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

16 hours ago