Remulla, naniniwalang walang pananagutan ang GCash sa nangyaring glitch

Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na maaring walang pananagutan ang popular na mobile wallet service GCash para sa cybercrime violations, kung agad naman umano nilang natugunan ang mga ulat ng unauthorized cash deductions mula sa account ng mga users.

Mababatid na maraming mga users ang nagreklamo noong Lunes matapos na ilan sa pera na nasa kanilang account ay nailipat sa bank accounts nang walang pahintulot mula sa kanila sa pamamagitan ng request para sa one-time passwords.

Agad naman na kinumpirma ng GCash na nakaranas nga ang ilang mga customers ng deduction sa kanilang accounts.

Sa kabila nito, tiniyak ng mobile waller service na walang hacking na nangyari at agad na naibalik ang kanilang pera. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *