Remulla, wala nang nakikikitang malaking personalidad na maituturing mastermind sa Lapid slay

Wala nang nakikita si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na ibang malaking personalidad na nasa likod ng pagpatay sa radio broadcaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa, maliban kay suspended Bureau of Corrections chief Gerald Bantag.

Ito’y matapos na ibasura ni Remulla ang pahayag ng kapatid ni Lapid na si Roy Mabasa, na maaring mas marami pa ang taong dawit sa krimen.

Ayon sa kalihim, tumigil muna sila sa mga personalidad na pinangalanan bilang mga respondents sa kaso na inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Philippine National Police.

Dagdag nito, na inasahan niya ang isa pang grupo na lalantad na may pananagutan sa krimen, pero ang testimonya umano ng mga inmates ay nagtuturo kay Bantag bilang mastermind sa pagpatay kay Lapid.

Samantala, hinihintay ngayon ng DOJ ang ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) para ma-trace ang source ng P550,000 na binayad para sa buhay ng naturang broadcaster. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *