Renovation ng National Museum sa Quezon Palawan, pinamamadali ng Sangguniang Bayan

Hinihiling ngayon ng sangguniang panglalawigan mula sa pamunuan ng National Museum sa Quezon palawan na madaliin ang ginagawang renovation at paglalagay ng mga bagong board walks sa Tabon Cave Complex sa munisipyo.

Itoy base na sa isinumeteng resolusyon ni Board member Marivic Roxas sa sangguniang bayan ng Quezon na direktang humihiling mismo kay Director General Jeremy Barns, CESO III na agad na mapabilis ang renobasyon sa lugar sa lalong madaling panahon katulad ng paglalagay ng mga railings at iba pa.

Mababatid na noong buwan ng Oktubre 2022ay pansamantalang isinara sa publiko ang tourist spot destination habang isinasailalim ito sa rehabilitasyon.

Samantala, nagpapasalamat naman ang konseho na mismong opisyal na nagbigay ng supporta sa kanila para sa kahilingan ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *