Reopening ng Gensan City Port, isinusulong ni Gov. Tamayo

KORONADAL CITY- ISINUSULONG ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr ang muling pagbubukas ng pantalan sa General Santos City sa Makar Wharf Terminal para sa mas mabilis na pagbibiyahe ng mga imported at exported goods sa South Cotabato, Gensan at iba pang bahagi ng Soccsksargen.

Ito ay bilang paghahanda din sa itatayong economic zones sa probinsya.

Ayon sa gobernador na sa pamamagitan nito, mas marami pang investors ang mahihikayat na maglagay ng negosyo sa South Cotabato.

Sa ngayon kasi, nasa Davao City pa ang pinakamalapit na port sa lalawigan.

Inihayag ni Tamayo na iaakyat nito sa Regional Development Council at sa national ang naturang proposal upang agad na maaksyunan.

Umaasa naman ang opisyal na sa lalong madaling panahon, mabubuksan na muli ang Gensan City Port.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *