‘Reproduction number’ o bilis ng hawaan ng COVID sa NCR, bumaba pa sa 1.28

Bumaba pa sa 1.28 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng covid-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, mula ito sa 1.39 na naitala noong September 2 hanggang hanggang September 8.

Tinukoy din ni David na bumaba sa 9 percent ang one-week growth rate mula sa 14 percent.

Wala naman aniyang pagbabago sa positivity rate o bilang ng mag nagpopositibo sa covid-19 sa mga ginagawang pagsusuri sa una at ikalawang linggo ng buwan.

Sinabi pa ni David na hindi pa umaabot sa rurok o peak ang mga kaso ng covid-19 sa Metro Manila pero umaasa silang mangyayari na ito sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *