Rescue operations sa mga residente sa Cagayan na apektado ng pagbaha, nagpapatuloy

Patuloy pa rin ang ginagawang paglikas sa mga residente sa lalawigan ng Cagayan na apektado ng pagbaha bunsod ng pag-ulan dulot ng bagyong Maring.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Task Force Lingkod Cagayan Head Ruelie Rapsing, sinabi niya na kasalakuyan na ang ginagawang pag-rescue sa mga residente sa Calaoagan Bassit sa bayan ng Gattaran, Cagayan.

Aniya, mula kaninang ala-1 ng madaling araw ay natapos na ang rescue operations sa mga apektadong mga residente sa bayan ng Buguey at Sta. Teresita.

Ayon kay TFLC Head Rapsing, ilan sa mga lugar sa lalawigan ay umabot ang tubig-baha hanggang bewang habang wala na ring suplay ng kuryente sa halos 17 na munisipalidad sa probinsya.

Sa ngayon batay sa ulat nga ng Cagayan PDRRMO, mayroon ng 1, 750 na pamilya ang inilikas dahil sa pagbaha.

Ayon pa kay Rapsing, tinitiyak naman nilang nasusunod pa rin ang health protocols sa mga evacuation center upang maiwasan ang banta ng hawaan ng COVID-19.

Aniya, binabantayan din nila ang mga tributaries na at mga ilog na dadaanan ng tubig na ipapalabas ng Magat Dam mamayang hapon.

Kaunay nito ay hinikayat din nila ang mga barangay officials na magsagawa ng pre-emptive evacuation na posibleng maapektuhan ng pagtaas ng tubig sa mga barangay sa Tuguegarao City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *