Residente ng Tuy, Batangas, kumontra sa CPP-NPA

Batangas City –

“Gusto namin ng kapayapaan!”

‘Yan ang sigaw ng mga residenteng nakilahok sa isinagawang Indignation Rally sa Brgy. Bolbok at Barangay Dau sa bayan ng Tuy, Batangas.

Ito ay isinagawa ng mga residente sa lugar matapos maging sentro ng sagupaan ng NPA at kasundaluhan ang kanilang lugar.

Dahil dito, nagsagawa ng Security Assistance ang kasundaluhan ng 59th Infantry Battalion sa paligid ng dalawang barangay.

Matatandaan na nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng militar at mga NPA sa lugar noong araw ng Linggo, na nagdulot ng matinding takot sa mga mamamayan kaya marami ang nanatili sa evacuation center upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Samantala, ang naturang rally ay naglalarawan ng pagkakaisa ng mga residente ng Brgy Bolbok at Dau, na labanan ang karahasan na dulot ng CPP/NPA at mapanatili ang kapayapaan sa lugar.

Kaugnay nito, nananawagan naman ang 59th IB sa mga natitira pang miyembro ng CPP/NPA na mag balik loob na sa gobyerno at yakapin ang landas ng kapayapaan para sa ikabubuti ng bawat pamilya sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *