Resignations ng 18 PNP third-level officers na umano’y sangkot sa iligal na droga – tinanggap

Kinumpirma ng Palasyo ang pagtanggap ni Pangulong Bongbong Marcos sa courtesy resignations ng mga third level officers na sinasabing sangkot sa iligal na droga.

Mula sa 953 na mga opisyal, 18 ang natanggap.

Kabilan na rito ang mga dating director ng Drug Enforcement Group na sina BGen. Remus Medina, at BGen. Randy Peralta.

Tanggap din ang resignation ni dating CARAGA Regional Director BGen, Pablo Labra II.

Samantala, resigned na rin si dating PDEG – Special Operations Unit ng CALABARZON na si Col. Julian Olonan na sinasabing sangkot sa isang toneladang shabu case.

Si Col. Roland Portera rin na isa sa mga nag-surrender ng 42 kilos ng droga ay natanggap din ang resignation.

Maliban sa mga unang nabanggit na opisyal, tinanggap din ang resignations nina Colonels Rogarth Campo, Rommel Ochave, Rommel Velasco, Robin King Sarmiento, Fernando Reyes Ortega, Rex Ordoño Derilo, Lawrence Bonifacio Cajipe, at Dario Milagrosa Menor.
#

PNP Chief Acorda, kumpiyansang maibabangon ang imahe ng PNP

Kumpiyansa naman si PNP Chief General Benjamin Acorda Jr. na maibabangon ang imahe ng PNP sa pagtanggap ni Marcos sa courtesy resignation ng labing walong third level officers na sinasabing sangkot sa iligal na droga.

Itinuturing ni Gen. Acorda, na isang eye-opener ito na seryoso ang Pambansang Pulisya sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *