Resigned Usec. Sebastian, nagpaliwanag sa paglagda para umangkat ng 300K MT na asukal

Nagpaliwanag si resigned Undersecretary Leocadio Sebastian ng Department of Agriculture (DA) na nilagdaan umano niya ang Sugar Order No. 4 (SO 4) para payagan ang pag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal, dahil sa “dwindling” supply.

Ayon kay Sebastian sa pagdinig kaugnay sa SO 4 na isinagawa ng House Committee on Good Government and Accountability at ng House Committee on Agriculture and Food, na nilagdaan niya ang dokumento, batay sa iprenesenta sa kanya, at sa datos na iprenesenta ng Sugar Regulatory Administration.

Giit nito, mayroon malinaw na indikasyon ng mabilis na pagkaubos sa suplay ng asukal.

Dagdag ng dating opisyal, na ang kasalukuyang suplay ay nakikitang mauubos na ngayong August 2022 at sa katapusan ng crop year  2021-2022.

Binigyang diin pa ni Sebastian na sa datos ng Philippine Statistics Authority at ng National Economic Development Authority mula 2015 hanggang 2019, lumalabas na ang average annual shortage sa suplay ng asukal sa bansa, ay nasa 530,000 metric tons, na kung ibi-break down umano sa average annual deficit ay nasa 203,000 metric tons ng raw sugar at 332,000 metric tons para sa refined sugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *