Resolusyon hinggil sa updated salary rate ng COS employee, lusot na sa 2nd reading ng Sangguniang Bayan ng Quezon

Nakalusot na sa 2nd reading ng Sangguniang Bayan ang resolusyong pag up-upated ng salary rate ng mga contractual of service employee ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon, Palawan.

Isinagawa ang naturang pagdinig noong nakaraang linggo sa ilalim ng Committee On Appropriation kasama ang Human Resource Management Office ng munisipyo.

Sa pagsusuri ng mga mambabatas sa isinusulong na resolusyon na ipinasa ng Local Finance Committee ay sinang ayunan ito ng konseho ngunit may kinakailangan na maitama at mga suhestyon na babaguhin gaya na lamang ng kategorya sa bawat estado o profile ng empleyado.

Mababatid na makakatanggap lamang ang isang kwalipikadong COS ng nasa P5k kada-buwan at may pagbabago lamang depende sa mga naging karanasanan, eligibility status at tagal sa serbisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *