Resolusyon na nagbibigay ng parangal sa legendary singer na si Sylvia La Torre, inihain sa Senado

Isang resolusyon ang inihain sa Senado na nagbibigay parangal sa legendary singer at Filipina icon na si Sylvia La Torre.

Si La Torre na binansagang “First Lady of Philippine Television,” at ang “Queen of Kundiman,” ay namatay noong December 1 sa Los Angeles, California.

READ MORE:

Sa ilalim ng Resolution No. 338, hinangad ni Senator Lito Lapid na manatiling buhay ang legasiya ni La Torre at binanggit ang mahigit 300 kanta na isinulat at nai-record niya mula nang simulan ang kaniyang karera noong 1950s.

Binanggit din ni Lapid ang ilan sa mga klasiko ni La Torre, tulad ng “Waray Waray,” “Your Face Sounds Familiar,” “Sa Kabukiran,” at “Mutya ng Pasig,” na kinanta nina Freddie Aguilar at Elizabeth Ramsey.

Sinabi pa ng senador na ang hindi masukat na kontribusyon ni La Torre sa mga Pilipino pagdating sa musika ay dapat na maging inspirasyon lalo na sa mga susunod na henerasyon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *