Resolusyon para imbestihagan ang “no vaccination, no ride” policy, inihain sa Kamara

Isinulong ng isang mambabatas sa House of Representatives na maimbestigahan ang “no vaccination, no ride” policy ng Department of Transportation (DOTr).

Batay sa inihaing House Resolution No. 2451 ni Partylist Rep. Arlene Brosas, hinimok nito committee on health at committee on transportation ng Kamara na magsagawa ng joint inquiry kaugnay sa kontrobersiyal na polisiya.

Tinawag ni Brosas bilang “illegal and discriminatory” ang kautusan ng DOTr na pagbawalang sumakay ang mga unvaccinated sa lahat ng pampublikong transportasyon sa Metro Manila.

Paliwanag ng mambabatas na malinaw sa Republic Act No. 11525 o mas kilala bilang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 na hindi pwedeng gawing mandatory requirements ang vaccination cards sa lahat ng educational, employment, at iba pang government transaction.

Dagdag pa ni Brosas dapat tigilan na nang gobyerno ang pagpapatupad ng mga anti-poor at anti-people policy-making schemes bagkus ay lumikha ng mga rights-based approach sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *