Resolusyong nagsusulong ng pagbuo ng con-con, pasado na sa Kamara

Inaprubahan na kahapon ng Kamara sa 3rd and final reading ang Resolution of Both Houses No. 6 na nagsusulong ng pagbuo ng constitutional convention (con-con) para amyendahan ang Saligang Batas.

Kabuuang 301 na mga mambabatas ang bumoto nang sang-ayon sa RBH No.6, anim ang tutol habang isang mambabatas ang nag-abstain.

Ang RBH 6, ay pangunahing akda nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Jose Dalipe, at House Committee on Constitutional Amendments chairperson Rufus Rodriguez.

Ayon kay Romualdez nais ng Kamara na limitahan sa restrictive economic provision ang pag-amyenda sa Konstitusyon na inaasahang makakakumbinsi umano sa mga dayuhan na mamuhunan sa bansa.

Inilarawan din ni Romualdez ang mabilis na aksyon ng Kamara bilang historic o makasaysayan.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *