Resolution na nagnanais na maging lone district ang Naga City , inilatag sa konseho

NAGA CITY –Inilatag sa regular session ng Sangguniang Panglungsod ngayong umaga hinggil sa planong maging lone district na lamang ang Naga City at ihiwalay sa 3rd district ng Camarines Sur na kinabibilangan nito.

Kabilang ito sa resolution binanggit ngayong umaga sa session ni City Councilor Lito Del Rosario, committee chairman ng Inter-Agency Relations.

Hinilingin kay 3rd District Congressman Gabby Bordado na mag sumite ng panukala ukol dito.

Ayon sa konsehal, pinag-aralan nilang maigi ang planong ito lalo pa at maraming proseso ang daraanan kasama na rin ang mga requirements tulad ng tamang bilang ng populasyon, ng mga botante, Β mga negosyo at ang mahalaga ay ang mga annual budget.

Wala pa namang nabanggit na maraming detalye si Del Rosario ngunit sinabi niyang mas mapapagaan ang ekonomiya ng lungsod kung magiging lone district ito.

Ang Naga City ay isa sa may pinakamaraming botante sa 3rd district bukod sa Calabanga,Pili at Ocampo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *