Resort owners, obligasyon na magpatupad ng sariling health protocols

SORSOGON CITY – Responsibilidad na ng mga may-ari ng resorts o paliguan ang pagpapatupad ng minimum health standard sa mga dumadayo at tumatangkilik sa kanilang mga pasilidad. 

Pahayag ito ni Guinlajon Barangay Chairman Ramon Nuga, sa harap ng reklamo ng ilang residente tungkol sa mga health protocols partikular na ang physical distancing na diumano’y hindi na nasusunod sa nasabing mga lugar.

Aminado ang opisyal na nahihirapan sila sa pagkontrol sa bilang ng mga taong nagsisipunta sa nasabing mga paliguan dahil bukod sa wala silang hurisdiksyon dito dahil pribadong pag-aari ang mga ito, dagsa din ang mga bumibisita dahil nae-engganyo sa mga post sa social media.

Kaugnay nito umapela ang opisyal sa mga resorts owners na maging responsable ang mga ito at siguruhin na kasabay ng pagnenegosyo ay naipatutupad at nasusunod pa rin ang mga health protocols para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Una rito, sinabi ng opisyal na ang nasabing usapin ay kanila nang naipaabot sa City-LGU kung saan bilang aksyon ay pansamantala na muna na ipinasara sa publiko ang naturang resort.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *