Business

Restaurant owners, nais magpatupad ng vaccine pass para sa vaccinated seniors

Hinihiling ng mga restaurants na labis na tinamaan ng COVID-19 pandemic na makabalik sa kanilang oeprasyon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng vaccine pass system na magpapataas sa kanilang operational capacity.

Sa pagdinig ng Senado kaugnay sa relief measures ng gobyerno para sa iba’t-ibang industriya, pinuna ni Restaurant Owners of the Philippines president Eric Teng kung bakit ang mga taong may edad 65-taong gulang pataas, ay hindi parin pinapayagan na maka-kain sa labas, kahit tapos nang mabakunahan laban sa COVID-19.

Dahil dito, sinabi ni Teng na ang mga immunized senior citizens ang prayuridad sa kanilang proposal para sa pagpapalabas ng vaccine passes, na target maipatupad sa Hulyo.

Nilinaw naman nito na ang kanilang bersyon ng vaccine pass ay hindi magdi-discriminate laban sa mga hindi pa nababakunahan. // MHEL PACIA

BNFM National

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

10 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

10 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

10 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

10 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

10 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

10 hours ago