Resulta ng mga antigen test, di kasama sa daily COVID-19 case tally – DOH

Hindi pa umano kabilang sa daily tally ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ang mga positibong resulta sa rapid antigen tests.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinag-aaralan pa ang mga resultang ito bago idagdag sa daily tally dahil may ilang antigen test results ang hindi accurate.

May ilang local government units (LGUs) umano ang hindi ginagamit ang antigen sa tama. 

Aniya, ginagamit ng ilang LGUs ang antigen test sa pag-screen ng mga empleyado, mga dadalo ng kasal, mga magpi-pictorial, at iba pa na syang di tamang paggamit ng antigen test.

Matatandaan na inanunsyo ng DOH noong Marso na isasama na nila ang resulta ng rapid antigen test sa official daily case bulletin.

Samantala, kasama naman sa daily tally ang mga positibong resulta mula sa saliva tests dahil kinokonsidera ito bilang isang RT-PCR test.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *