Resulta ng serye ng meetings ni Marcos sa Amerika, inilatag ng Palasyo

Naging makabuluhan ang unang mga araw ng pangulo para sa kaniyang official visit sa Amerika.

Ayon sa Palasyo, nagbunga ng mga kabi-kabilang kasunduan at pledges ang serye ng meeting nina Pangulong Bongbong Marcos, ang official delegate ng Pilipinas, at ang mga counterparts nila sa Estados Unidos.

Kabilang na rito ang pangakong pagha-hire ng nasa 75,000 na mga Filipino seafarers sa susunod na tatlo hanggang apat na taon.

Nakapulong din ng punong ehekutibo ang mga kinatawan mula sa vaccine manufacturer na Moderna at kanilang nabanggit ang planong pagi-invest sa Pilipinas.

Nagsabi rin ang US-based nuclear firm na Ultra Safe Nuclear Corporation ng posibilidad pagkakaroon ng isang nuclear facility sa Pilipinas – ang kauna-uanhan sa Southeast Asia.

Bago ito, una nang sinabi ni Biden ang pagpapadala ng ‘first of its kind’ trade and investment mission sa Pilipinas para patatagin at palawakin pa ang pamumuhunan ng mga American firms sa bansa.

Una na ring iniulat ang pledges ng US Department of Agriculture para sa pagtulong sa sektor ng agrikultura ng Pilipinas. //LGD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *