Retired BJMP officer hinangaan matapos makumpleto ang 1st Ginrunners Road x Trail Run sa Guinobatan, Albay

LEGAZPI CITY – Kahanga hanga ang ginawa ng isang retiradong BJMP OFFICER matapos makompleto nito ang pagtakbo sa 1st Ginrunnerz Road X Trail Run sa bayan ng Guinobatan Albay. Ayon sa tanggapan naging kahiligan ni Retired J/SSUPT WILMOR T PLOPINIO ang pagtakbo dahil sa ito lamang ang nagpapasaya at nakapagpapalusog sa kanyang katawan.

Hindi naging antala para kay Plopino sa kanyang pagtakbo dahil sa mas lalo pa ito ginanahan kahit mapanghamon ang extreme trail run na ginanap sa nasabing bayan nitong buwan ng Abril 24.

Nakumpleto ni Plopino sa pagtakbo sa loob ng 6 na oras at 30 minuto.

Aniya, more or less 30% pavement at ang iba ay uneven track. Ilang beses, naligaw sa ruta ang detirado at kinailangan pang bumalik para maghanap ng mga signage.

Ngunit tulad ng sinumang mananakbo ay kailangan tapusin ito dahil sa tanging umano ang nagbibihay nang kaligayahan.

Hindi ito ang una para kay Plops, isa lang ito sa marami niyang marathon na sinalihan niya at talagang natapos.

Siya ay Jail Provincial Administrator ng BJMP Camarines Sur bago siya nagretiro.

Ngayong Agosto, siya ay magiging 65 taong gulang. Sa kasalukuyan si Sir Plops ay Dean ng College of Criminal Justice Education sa Pili Capital College Inc., at Presidente ng Council of Deans for Criminal Justice Education sa Bicol Region.

Leave a Reply

Your email address will not be published.