Retired member ng Philippine Army kasama sa 4 na personang inareto sa illegal gambling sa Albay

LEGAZPI-Arestado ang apat na katao kasama ang isang retire mmber ng Philippine Army sa magkahiwalay na operasyon kontra illegal gambling sa lalawigan ng Albay kahapon.

Sa lungsod ng tabaco, dalawang lalaki ang inaresto sa dahil sa illegal na tupada sa Purok 4, Barangay Buang.

Nakilala ang mga suspek na si Miguel Barneda Balina, 67 anyos na retired member ng Philippine Army, at si Faustino Isidro Balila, magsasaka na parehas residente ng nasabing lugar.

Nakuha sa kanilang kustodiya ang aabot sa tatlong buhay na manok panabong, 511 pesos.

Samantalang, sa Purok 1 Barangay San Agustin Banwaan ng Libon, inaresto rin ang dalawa pang katao na kinilala naman na sina Mark Anthony Labid Casalda, 30 anyos, isang lending collector ng East Carisac at si Randy Espidilion Racines, 34 anyos, construction worker ng West Carisac ng parehong bayan.

Nadakip ang mga ito ng mga otoridad at narekober ang isang patay na panabong namanok at 1, 060 pesos at iba pang paraphernalia.

Sa ngayon, ang mga nasabing person ay nasa kustodiya na ng mga otoridad para sa tamang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *