Retired Navy at isang kainuman nito, arestado dahil sa panunutok umano ng baril

Arestado nitong Linggo ng umaga, ika -12 ng Pebrero 2023 ang isang retired navy at kasama nito matapos ireklamo ng panunutok ng baril sa Sitio Mabuhay Barangay Napsan sa Puerto Princesa City.

Kinilala ng Police Station 2 ang mga inaresto na sina Ariel Magbanua Rabang, 49 anyos isang caretaker at si Rico Matildo Rule 62 anyos, isang retired Navy habang  ang biktima ay si Alfred B. Dagtic, 41 anyos.

Ayon sa reklamo ng biktima, bibili lamang siya sa tindahan nang bigla siyang lapitan ng suspek na si  Ariel at walang ano-ano’y bigla itong bumunot ng bari( Caliber 45 ) sa sling bag bago itinutok sa kanyang dibdib.

Habang nakatutok ang baril sa kanang dibdib nito ay kinausap ng biktima ang suspek at sinabing “ Pre, baka magputok yang baril mo” kaya ibinaba ng suspek ang barik bago ito pumasok sa tindahan at bumalik sa kainuman.

Matapos magreklamo si Alfred ay mabilis na inaresto ng 2nd Platoon Company at City Mobile Force Company ang dalawang suspek kung saan nakuha sa kanila ang Calibre 45, isang magazine na may limang (5) bala at anim na iba pang bala.

Nahaharap ang mga inaresto sa reklamong Grave Threat at Illegal Possession of Firearms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *