Retired soldiers, police kay PRRD: ‘Depensahan ang WPS mula sa incursions’

Nanawagan ang isang grupo ng retired military at police officers kay Pangulong Rodrigo Duterte na depensahan ang West Philippine Sea mula sa patuloy na incursions ng China sa area.

Ayon kay Retired Lt. Gen. Edilberto Adan, chairman ng Advocates for National Interest, nilalabag ng agresibong maritime claims ng Beijing ang soberanya ng bansa.

Aniya, sa ilalim ng Konstitusyon, obligasyon ng lahat kabilang na ng commander-in-chief ang pagtatanggol sa ating soberanya, karapatan, at mga teritoryo laban sa lahat ng banta.

Giit pa ni Adan, kailangan ay iisa ang boses ng mga Pilipino dahil nitong mga nagdaang linggo, hati ang boses ng mamamayan tungkol sa isyu sa WPS.

Pinuna rin ni Adan, dating commander ng Armed Forces of the Philippines Southern Command, ang pahayag ng pangulo na ang China ang may kontrol sa West Philippine Sea at isa lamang papel ang panalo natin sa arbitration tribunal laban sa China.

Binigyang diin pa ng retired general na ang magkakaibang statements ng Duterte administration sa WPS ay nagpapahina ng claims natin sa maritime territory.

Mababatid na ilang ulit nang naghain ng protesta ang Pilipinas laban sa China dahil sa patuloy na presensya ng kanilang maritime vessels sa loob ng ating exclusive economic zone.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *