RHU- Paracale isinailalim sa lockdown matapos magpostibo sa COVID- 19 ang isang midwife at asawa nito

CAMARINES NORTE- Isinailalim sa lockdown ang Rural Health Unit (RHU) o ang main health center ng bayan ng Paracale, Camarines Norte matapos na magpositibo sa COVID- 19 ang isang midwife at asawa nito.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan, ang pagsasailalim sa lockdown sa naturang pasilidad ay upang bigyang daan ang disinfection at maiwasan ang pagkalat ng COVID- 19.

Dahil dito, sinabi ng LGU na ang mga emergency ay pansamantalang dalhin muna muna sa infirmary hospital.

Mababatid na inirekomenda ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Ricky Manarang kay Mayor Romeo Moreno na isailalim sa lockdown ang naturang pasilidad simula noong Biyernes, June 25 na tatagal hanggang July 4 ng taong kasalukuyan.

Noong araw din kasing iyon ay kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nagpositibo sa sakit ang babaeng midwife at ang asawa nito na direct contact ng una.

Patuloy naman ang paalala ng mga health officials sa publiko na sundin ang mga ipinatutupad na health protocols upang makaiwas sa sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *