RHU-Tboli nadagdagan ng 13 laboratory test medical service

KORONADAL CITY- NASA 13 na mga laboratory test ang idinagdag sa serbisyong ibinibigay ng Rural Health Unit o RHU-Tboli sa South Cotabato.

Kabilang sa nasabing mga laboratory test ang Complete Blood Count (CBC), Platelet Count, Hemoglobin Determination, Dengue NSI Antigen, Blood Typing, Urinalysis, Fecalysis, HIV Test, Syphlis Test, Hepatitis B Antigen, Gram Staining, Acid-Fast Bacilli Stain at Blood Chemistry hanggang 5 test (FBS, Cholesterol, Blood Uric Acid, Creatinine at SGPT).

Layunin umano ng nasabing dagdag na mga medical service ng RHU-Tboli upang hindi na kailangan magpunta ang mga residente sa mga malalayo at pribadong bahay pagamotan para lamang sa nasabing mga test.

Sa mga mag-avail ng mga medical service kailangan lamang magdala ng laboratory request mula sa doctor at maghanda ng pera P50-P100 para ibayad sa Municipal Treasurer’s Office at dalhin lamang ang resibo pabalik sa RHU-Tboli Laboratory.

Napag-alaman na ang nasabing dagdag na mga kagamitan sa nasabing pasilidad ay mula sa DOH, NGOs at maging sa Trust Fund ng RHU-Tboli.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *