Ricci Rivero, maglalaro para sa professional basketball league ng Taiwan

Sampung buwang mawawala si Ricci Rivero sa Pilipinas para sa bagong kabanata ng buhay niya bilang basketball player.

Nabatid na nasa Taiwan na ang basketball star para sa paglalaro niya sa koponan ng Taoyuan Pilots ng PLeague+, ang professional basketball league ng naturang bansa.

Magsisimula ang training na Rivero kasama ang ibang manlalaro ng Taoyuan Pilots, kapag nakumpleto ng Filipino athlete ang mandatory 7-day quarantine.

Samantala, plano naman na sumunod doon ang pamilya ni Ricci para bisitahin at panoorin ang mga laro ng basketball player kapag maluwag na ang COVID protocols ng Taiwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.