Luzon

Rice allowance para sa mga empleyado sa Naga City pa dumarating

NAGA CITY –  Hindi pa natatanggap ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Naga City ang rice allowance na unang ipinangako ng National Government at sa direktibang inilabas ng Office of the President.

Ilang mga empleyado sa City Hall ang nagtatanong na kung kailan nila makukuha ang naturang bigas na ayon sa kanila ay kalahating sako.

Sayang din naman aniya ito, malaking tulong na ito sa kanilang pamilya lalo na doon sa maraming mga anak.

Kaugnay nito, una na ring inihayag ni City Mayor Nelson Legacion na ang bigas na ipamimigay nila sa mga empleyado ay manggagaling sa National Food Authority na regular nilang kinukunan pag may ganitong rice subsidy ang pamahalaan.

Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga empleyado, sinabi niyang may problema ang NFA dahil sa kulang ang bigas nito.

Bibili na lang aniya ang City Government ng bigas sa iba, sabi pa ng alkalde.  

BNFM Naga

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

23 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

23 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

23 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

23 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

23 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

23 hours ago