Rice Inventory tiniyak ng NFA Bicol na hindi kukulangin ang produksyon

LEGAZPI CITY – Tiniyak ng National Food and Authority (NFA) Bicol na hindi kukulangin ang kanilang rice inventory sa rehiyon dahil sa may mga ‘bufferstock’ pa itong inireserba sa ngayon

Ayon kay Jaharra Pavilando, ang Regional Spokesperson ng NFA Bicol, sa panayam ng Brigada News FM Legazpi, sa tala ng ahensya, aabot sa 39, 300 rice inventory habang aabot sa 119, 878 bags ang supply ng ahensya.

Aniya, hindi pa tapos ang pag-aani kung kayat inaasahan nito na ang nasabing bilang ng rice inventory ay madadagdagan pa at gagamitin lamang ang mga’ bufferstocks’ o mga reserabng bigas tuwing mayroong kalamidad sa rehiyon.

Sa kabila nito, ang lalawigan ng Camarines Sur ang isa sa pinakamaraming inaani o produksyon ng bigas kabilang ang lalawigan sa Top 20 na mayroong pinkamaraming produksyon ng bigas sa bansa.

Pumapangalawa din sa Bicol region ang lalawigan ng Albay at Sorsogon na pinakamaraming inaani na bigas.

Samantala, sinabi ng opisyal, na sa oras na hindi maubos ang rice inventory ng ahensya ay ibibigay ito sa mga karatig na rehiyon na kinukulang ang suplay ng bigas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *