Rice sufficiency tiniyak ng DA- Bicol sa kabila ng El Niño

NAGA CITY- Naniniwala ang Department of Agriculture- Bicol na hindi magkukulang ang supply ng bigas sa panahon ng El Niño Phenomenon.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Love Guarin, Information Officer ng nasabing ahensya sa rehiyon.  Maaga ring nakapagsumite sa central office ng action plan ang kanilang tanggapan; paghahanda ng mga patubig, binhi, abono at iba pa.

Mahigit 74,200 na sako laman ang 15kg ng hybrid palay seeds ang target ipamahagi. Kapag hybrid ang tanim mas mataas ng 1 ton per hectare ang ani.

Mahigit 76, 600 na 20kg na sako ng certified palay seeds ang ipamimigay. Gayundin ang P400M worth fertilizer support sa pamamagitan ng fertilizer voucher kaya aniya may sasandalan ang mga magsasaka sa pagtanim.

Bisitahin na aniya ang mga Municipal Agriculture Office upang magpalista.

Dagdag pa ni Gaurin  may pagtaas din sa lawak ng sakahan noong 2022, halimbawa sa Camarines Sur na may 175, 972 ektarya na mula sa 173, 208 na ektarya ang nataniman noong 2021.

Una nang pinawi ng DA Central Office na mayroon ng mga ginagawang paghahanda ang gobyerno upang matugunan ang posibleng epekto sa pananim ng mga magsasaka ang matinding tagtuyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *