Rider na nagpakilalang sundalo na si Angelito Rencio, sumuko na sa mga awtoridad

Sumuko na sa Makati City Police Station ang rider na nagpakilalang sundalo na si Angelito Rencio.

Si Rencio ang nasa viral video na kaalitan ng pulis na si PSSg Marsan Dolipas nitong August 25.

Sa impormasyon, natatakot umano si Rencio sa kaniyang kaligtasan matapos na mag viral ang bidyong kinasasangkutan niya sa social media kaya sumuko sa mga awtoridad.

Si Rencio ay may may kinakaharap na kasong qualified theft reklamong ursurpation authority.

Nauna nang nilinaw ni Southern Police District Director PBGen. Roderick Mariano na hindi insidente ng road rage ang kinasangkutan ni Dolipas at Rencio.

Sinubukan lamang arestuhin ni Dolipas si Rencio na nakitaan niya ng baril.

Nangyari ito matapos na magbigay ng paalala si Dolipas na huwag masyadong mag drive ng reckless ngunit sumagot umano si Rencio at minura pa ang pulis.

Nauna nang nagpakilala sa presinto si Rencio na isang intelligence officer ng Philippine Army na kalaunan ay nalaman na hindi pala totoo.

Base sa ipinresenta niyang id siya ay isang fire and rescue volunteer.

Ayon kay Mariano ang nakumpiskang baril kay Rencio ay nakarehistro sa isang security agency.

Kinasuhan na rin ito ng panibagong patong-patong na kaso partikular ang paglabag sa Comprehensive Firearms Ammunition and Regulation Act , Usurpation of Authority at Resistance and disobedience to a person in authority.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *