Rider patay, 1 sugatan  sa banggaan sa Bataraza

Patay ang isa habang sugatan ang isa pang rider matapos magbanggaan sa National Highway ng Bgy. Bulalacao, Bataraza, Palawan nitong Sabado, June 25, 2022.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ng Yamaha Aerox motorcycle ang isang biktima na binawian na ng buhay na si Blesster Jess Lusoc Alfonso, 27 anyos  na residente ng Barangay San Pedro, Puerto Princesa City.

Nakabanggaan niya ang Honda click 125 motorcycle na noo’y minamaneho ni Bruce Lee Kang Asmarudin, 32 anyos na residente ng Bgy. Riotuba, Bataraza, Palawan.

Papunta sana sa Brgy. Riotuba mula sa Puerto Princesa si Blesster nang makabanggaan nito si Bruce Lee na papunta sanang Brooke’s Point.

Samantala, agad silang dinala sa Bataraza Hospital nitong Sabado habang ang mga motorsiklo ay nasa Bataraza MPS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *