Rider, patay angkas nito sugatan nang bumangga sa kasalubong na van

Dead on the spot ang isang rider habang sugatan ang angkas nito matapos bumangga ang kanilang motorsiklo sa kasalubong na shuttle van sa Sitio Tarabanan kilometer 68 North National Highway, Brgy. Concepcion, Puerto Princesa City.

Ang namatay ay kinilala ng pulisya na si Jerson Geguillan Evangelista, 37 anyos at ang angkas nitong sugatan ay si Gabriel Bacabag Mendoza, 28 anyos.

Sa imbestigasyon ng PNP, ganap na alas- singko ng hapon nitong Lunes, ika-10 ng Oktubre 2022 nangyari ang aksidente.

Napag-alaman na pumasok di umano ang motorsiklo ni Jerson sa kabilang linya kaya nabangga nito ang kasalubong na Toyota Hi-ace na minamaneho ni Ivan Bundac Constantino, 25 anyos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *