Riding in tandem na namaril at nagnakaw sa Malolos, Bulacan may patong sa ulo na P200k

Naglabas ng P200,000 na pabuya ang alkalde ng Malolos, Bulacan na si Atty. Christian D. Natividad para sa makapagbibigay ng impormasyon sa riding in tandem na namaril sa Barangay San Vicente Malolos Bulacan.

Under investigation pa rin ang insidente ng Malolos City Police Station kung saan isang tao ang napabalitang ninakawan at pinatay ng dalawang salarin.

Huling namataan sa CCTV footage ang dalawang suspect na may suot na kulay dilaw at asul na sweatshirt at sakay ng MIO motorcycle na may plakang CAI 18609 na tumakas sa pinangyarihan ng krimen.

Ayon sa Malolos CPS, maaaring ipag-bigay alam ang impormasyon para sa agarang aksyon na magiging susi sa pagka-aresto ng mga salarin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *