Tututukan ng Department of Trade and Industry ang Right to a healthy environment sa gaganaping World Consumer Rights Day sa March 15, 2023.
Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Trade and Industry Development Specialist Mark Jayson Andes, nakatuon sa right to healthy environment ang WCRD 2023 kung saan mayroon itong tema na “Empowering Consumers Through Clean Energy Transitions”.
Dalawang usapin ang pagtutuunan ng pansin na kinababilangan ng pagtaas ng global energy prices at greenhouse gas emissions.
Layunin nitong mabigyan ng kaalaman pa ang mga mamimili hinggil sa mabilis na access sa clean energy tulad ng pagpili ng mga gamit na appliances sa tahanan, malinis na transportasyon upang maiwasan ang polusyon at clean electricity supply gayundin sa epekto ng nararanasang krisis.
Binigyang diin din nito na dapat magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga konsyumer sa masamang epekto ng pagkonsumo ng fossil fuel at simulang tangkilikin ang Solar energy, wind energy, Hydroelectric power at tidal energy.
Tatlong usapin ang ibinahagi ni Specialist Andes na responsibilidad at maaaring maitulong ng konsyumer sa naturang usapin at ito ay ang pagpili ng mga produktong energy-efficient, pagtitipid sa energy consumption, paglipat sa renewable energy resources.
Samantala, bilang bahagi ng World Consumer Rights Day ay magkakaroon naman ang DTI Isabela katuwang ang JCI Cauayan Bamboo ng forum at launching ng kanilang mga advocacy programs.
Sikop sa mga sakop sa Los Amigos Police Station ang usa ka butane vendor atol…
NAGA CITY- Itinanggi ni Naga City Mayor Son Legacion ang umano’y pagtanggap niya ng payola…
KORONADAL CITY – TUTULONG si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go upang mapabuti pa ang serbisyo…
CAMARINES SUR- Sinang-ayunan ng ilang guro sa Camarines Sur ang iminumungkahi ng Department of Education…
Nakatanggap ang Sorsogon Police Provl Office (SPPO) mga kagamitan na mahalaga sa misyon para sa…
LEGAZPI CITY - Bumisita sa lalawigan ng Albay si House Speaker Martin Romualdez upang tingnan…