Rihanna , inaasahan na ang baby no.2 nila ng rapper na si A$AP Rocky

Inanunsyo ni Rihanna na buntis siya sa pangalawang baby nila ng rapper na si ASAP Rocky.

Ayon sa The Hollywood Reporter, kinumpirma ng kinatawan ni Rihanna ang kanyang pagbubuntis ilang sandali matapos magtanghal sa Super Bowl kung saan maraming mga tagahanga ang nagtaka at nag-isip kung siya ay buntis.

Noong nakaraang Mayo, ipinanganak ni Rihanna ang kanyang unang anak.

Isinapubliko nina Rihanna at ASAP Rocky ang kanilang relasyon noong 2021.

Samantala, ilan sa kinanta ni Rihanna sa SuperBowl ang “Where Have You Been,” “Only Girl (in the World),” at “We Found Love.” Hindi kumpleto ang kanyang setlist kung wala ang kanyang pinakakilalang kanta na “Umbrella” at “Diamonds in the Sky.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *