NAGA CITY – Naghanda para sa kilos protesta ng mga progresibong grupo ang PNP Riot Police ng Naga City Police Office ngayong Labor Day.
Ayon kay PLTCOL. Dario Sola ang Deputy City Director for Operations ng NCPO, maliban sa mga naka-deploy na pulis sa lugar ay mayroon ding inilatag na mga Contingency Plan ang NCPO upang matiyak na matahimik ang kilos protesta.
Pagbibigay diin ni PLTCOL. Sola, may mga grupong kumuha ng permit upang nakapagsagawa ng rally ngayong araw at ang PNP naman ay iginagalang ang kanilang isasagawang aktibidad. Pagpapanatili ng katahimikan at seguridad ang magiging papel ng NCPO.