Risa Hontiveros: ‘Pastillas Part 2’ ng BI – Human trafficking sa Myanmar

Isiniwalat ni Senadora Risa Hontiveros ang mala-sindikatong traffiking ng mga Pilipino papuntang Myanmar para pag-trabahuhin sa isang Chinese scam operation.

Sa panayam, inilarawan ni Hontiveros ang bagong modus bilang ‘Pastillas Part 2’ ang operasyon nito dahil dawit din ‘di umano ang ilang mga personnel ng Bureau of Immigration.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Ang siste – ire-recruit ang mga biktimang Pilipino para magtrabaho sa isang call center company sa Thailand.

Ang kaso, imbis na ipadala ang mabibiktima nito sa Thailand ay tska ito pinapasok sa Myanmar para mangloko sa pamamagitan ng crypto scam.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Napag-alaman ding kinukuhaan ng P30,000 ang mga biktima nito bago makaalis ng bansa.

Giit ng Senadora, kahit na angkaroon na raw ng cleansing sa BI ay tila nakalulusot pa rin ang mga ganitong uri ng pangloloko.
#