River channels sa Albay, mino-monitor dahil sa sama ng panahon na posibleng magdulot ng lahar flows – PHIVOLCS

LEGAZPI CITY – Wala pang naitatalang lahar at muddy stream flows sa lalawigan ng Albay ngayon kaugnay ng nararanasang sama ng panahon ayon sa PHIVOLCS.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PHIVOLCS Resident Volcanologist Dr. Paul Alanis, sinabi niya na bagama’t wala pang naitatala, maaaring ma-saturate ang mga lupa at hindi na kayanin pang i-absorb ang mga pag-ulan na posibleng magdulot ng lahar flows.

Dahil dito, inaalerto at binabantayan ang mga river channels ng Mi-isi ng Daraga; Bonga, Mabinit, Matanag, Buyuan at Padang ng Legazpi City pati Fidel Surtida ng Sto. Domingo na posibleng daanan ng lahar.

Samantala, ayon pa rin ay Alanis, pagdating sa lahar, hindi na inaapply ang six kilometers permanent danger zone dahil kahit anu pang river channel na nagmumula sa Mayon ay posibleng ng lahar flow kaya’t ibayong pag-iingat na lamang at sumunod sa mga otoridad kung ipinag-uutos ang paglikas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *